hi!

Posted on August 28, 2005 by jevay.
Categories: Uncategorized.

wala….. saka na ko magcocomplete update….. check ko lang na buhay pa itong blog….

may mga bagay

na sadyang bitin…..

hehehe

jevay \m/

Swallow Drive - Rampqueen \m/

Posted on August 14, 2005 by jevay.
Categories: Uncategorized.

alone
can’t say what i want to
never will

nobody knew who hit first

oblivious
to everything that happened
NOBODY KNEW HIT FIRST

alone
come round full circle

WE have become ONE

pleasure took the best of us

Oblivious

and I couldn’t escape this

but PLEASURE took the BEST of US

come inside my head
with your eyes closed

YOU SAW MORE THAN MY SOUL

before i lay
you owe me tonight

you think that i could
make it all end

losing your name
made it all end

Such Uncontrollable Caressing Kills

Softly
hear my silent din

Unsettling
bit my tongue once again

Carnal
you know you owe me tonight

Kindess

TONIGHT WAS SOMETHING THAT

YOU CAN’T DENY.

jevay \m/

such sensual song …

GUYS…LALAKE…OPPOSITE SEX…MALE…MARS

Posted on August 9, 2005 by jevay.
Categories: Uncategorized.

CUTE GUYS…

- magandang singing voice (sexy, powerful mala-Saul Ulanday or Yael Yuzon)

- magandang speaking voice (malalim, articulate, may sense ang bawat buka ng bibig)

- long hair (wavy or straight hair na mala-Saul pa rin…ehehehe or Brandon Boyd or Rayms)

- may sense kausap…yung may matutunan ako at kayang pag usapan LAHAT ng bagay… miski s–

- may sense of humor…basta yung sense of humor niya ay nakakatawa para sa akin… relative
kasi humor di ba?

- artsy… artist… musician, painter, poet… etc… may lalim kasi ung mga taong ganito

- Rocker… weakness talaga… kasama na rin dito ung number 1.

- mabait… in what sense? mabait pero di passive at hindi doormat… tipong kasama niya lola
niya sa mall akay-akay niya (uy, may nakita pa akong ganyan), nakikipaglaro sa bata mapa-baby
man o yung medyo malaki na, basta yung ganun. Pero wag namang mama’s boy, okay na yung pinapahalagahan
ang magulang pero ung mama’s boy? katakot kasi karamihan sa mga kwento-kwento, wala bayag yung mga ganun…
prove me wrong kung wrong ako! ahahaha…. percept ko yan noh…

GUYS na CUTE TAGAIN!

- mga lalaki sa PUV’s (public utility vehicle) na nakabukaka ng sobra-sobra, kala mo sila may ari
ng buong upuan

- guys, (preferably manong driver) na umiinit ulo pag malalaking bills ang binabayad.

- mga tricycle driver sa Katipunan specifically sa may Miriam College na pinipilit kaming sumakay sa baby seat at backride miski nakapalda at sasabihan kaming maaarte!!! (Hoy! buti sana kung yung mga tricycle nyo ay kasing ayos ng tricycle dito sa Antipolo noh! yung sa Antipolo matataas ung tricycle at hindi inuupuan ang babyseat dahil safe sumakay sa backride. Eh ung mga tricycle nyo? ang bababa na nga at talagang sinadya pa atang mababa para masilipan ung mga babaeng sumasakay dyan tapos pag sa backride pa umuuga ung bubong, walang hawakan at wala ring tapakan pati harang sa may sides wala! tapos ang lakas ng loob nyong paliparin dyan sa may kaitpunan road?! ang lakas ng loob nyong makipag drag race sa mga naglalakihang truck at kotse dyan!!! Wala kayong karaparatang sabihan kaming maarte! Taena! Dahil pag kami naaksidente sa tricycle nyong bulok dahil sa pagpapalipad nyo, eh sigurado wala kayong pambayad! At saka porket ba mga nag-aaral kami sa miriam eh lahat kami mayayaman at sisingilin nyo ng pagkamahal-mahal?! TAE, SHIT, EBAK, JEBS Kayo!) Whew!

- mga lalaki sa may katipunan na lumuluwa ang mata sa kakahagilap ng underwear namin pag nakasakay sa
sa babyseat ng tricycle sa may Katipunan! mga
pu@$##$# kayo!!! grrr!!!!

- lalaking dudura sa kalye with matching super loud sound effects "kwwaarrrrkkkkk…pwe!!"

- mga mga lalaking isinasandal ang kanilang pagkabigat-bigat na hita sa hita mo lalo na sa mga jeep na masikip! Tamad ilagay
ang weight sa magkabilang legs! Taena!   

jevay \m/

Seminar….

Posted on August 8, 2005 by jevay.
Categories: Uncategorized.

bow down… to WINNIE MONSOD…. guest speaker siya sa aming seminar entitled: WOMEN SPEAK: shall we dance to Cha-Cha?
at gaya nga ng sabi ko, bow down ako sa kanya…. grabe… that woman is oozing with intelligence, na bawat pagkatapos ng salita nya
ay pinapalakpakan siya…siya yung isa mga babaeng gusto kong tularan habang ako’y papunta na sa aking pagtanda…

the other guests such as Dinky Soliman, Vicky Garchitorena and Liza Maza were also equally good but Madame Monsod mesmerized me with
her wisdom…

the discussion was really productive and highly informative ang kaso nga lang… puro naman anti-chacha ung mga pina-attend, eh ako’y isang pro
kaya naman nung nagsalita na sila, na-windang na naman ung aking stand.

nonetheless, ayus pa rin naman EXCEPT dun sa papampam na EMCEE… isang prof na tinutularan si Bearwin Meiley dun sa programang NAKS… ampuch! di na
siya natuto sa mga evaluations sa kanya ng mga estudyante. Na isa siyang ‘mambabarang’ ibig kong sabihin, mahilig siyang mambara ng estudyanted…
ung mga students na nagtatanong, ume-epal siya, binabara niya at basta kung anu-anong useless comments! sorry, pero asar talaga ako sa kanya… panira
siya dun sa program!

then, someone went to the microphone para magtanong ng question, isang lady na naka-violet dress, blonde ang hair at may glasses… sabi lang nung Mc "please state your name…"
ang ginawa naman niya "state your curriculum vitae!" nampota! na-shock kami… sample?

EMCEE: "state your name first then proceed with your questions"

Violet lady: "good afternoon. I’m blah blah. I graduated from Maryknoll College on the year kopong-kopong… I studied blah blah in Los Angeles and I was an editor-in-chief of the
Chi-rho publication… I achieved my masteral degreee chenez chenez blah blah chuva chuva… I have seven kids.,…. blah blah

ehehehe… di naman niya sinabi ung seven kids… nagpe-paint lang ako ng picture… para ma-gets nyo… irritating dahil magtatanong lang siya pero sinabi niya ung buong history
ng kanyang buhay… parang nagpapasikat, kasi ung mga guests speaker binasahan ng kani-kanilang achievements, baka nainggit siguro… hindi naman siya nagtanong, nagsabi lang naman
siya ng kanyang opinyon!

eto pa! di ba ung Emcee nga ung ala-bearwin meiley-prof, paginaadress si Winnie Monsod, may "prof" na word na kasama sa una, pero pag doon sa iba halimbawa kay Dinky Soliman,
aba! first name-basis lang! di ba disrepectful yun! kung isa first name-basis lang dapat lahat ganun o kaya kung ung isa, may ‘title’ dapat nilalagyan rin lahat! miski "miss" man lang! eh pota! si Monsod lang ung may ‘title’…
halatang halata ung pagiging sipsip nya!

pagkatapos nung talk, OA siya sa pag-asikaso kay Winnie Monsod…. may pahawak-hawak pa sa braso na nalalaman, kala mo makakalas ung buto niya! Vacuum talaga! tapos ung tatlong guests
hindi niya pinansin the moment na nagfinish ung talk… miski pinansin man niya yun minutes after the talk was finished… OA pa rin kasi halos matalisod siya pag-alalay kay Winnie Monsod
nung makita niya na paalis na ito! naiinis ako kasi garapalan ung pagiging sipsip niya! The nerve talaga!!!!

anyways, i was satisfied with the talk… at kung ganun kagagaling ung mga guests speaker… eh di maraming gaganahang pumunta sa mga talk! sana maging kasing galing ako ni Winnie Monsod balang
araw! ehehehe…. dream on… pero i’ll try to reach it! after the talk, nasabi ko sa sarili ko na "ang dami ko pang hindi alam"….. kaya continue learning!

jevay \m/      
       

Ayoko ng GRAMMAR…

Posted on August 1, 2005 by jevay.
Categories: Uncategorized.

bukod sa math…. grammar is my achilles’ heel…naks…ehehehehe…. masarap magsalita ng English…. pero nakakahiya kung ma-okray ka…. para sa iba mukha akong ’smart’ mag-English, oo pag oral pero pag written…ampuch! nampota! pag binasa yan ng mga English profs ko katulad ni terrorist: Dr. Glenda fortez o kaya ni small-but-also terror Dr. AƱonuevo baka mabato ng sandamakmak na pang o-okray…. ang siste kasi sa akin, okay ang English pag okay pakinggan sa tenga… ehehehe…. wala akong paki-alam sa SV agreement…

kahit dati pa hate ko na yan ang dami-dami kasing structure, eh yun pa na naman ung ayaw ko….alam ko nakakahiya pero di talaga ako nahihiya…. I say sorry pag nagkamali ako pero di ako gaanong careful the next time…

nakakahiya nga nung International law, nagreport kami ni Maeann… sa powerpoint presentation may nalagay ako parang:

"the court will accept blah blah if certain jurisdictions are meet:"

sabi ng prof namin, eh lawyer pa naman din, kala ko wala siyang paki alam sa ganun…

sabi nya: "hmm..met….tsktsk…not meet…"

natawa ako nung na realize kong "ay gago onga noh!"

Sheepish grin then ’sorry’… un lang pinakawalan ko… ayus naman at least taas ng grade inspite/despite nung mga grammatical errors….

eto pa problema ko, pag written tapos may mga essays or analysis… pucha… naalala ko nung book review ko nung second year, ang daming pulang ink sa papers ko… panu puro grammatical errors… sabi ng prof ko "break your sentences"

sa isang sentence kasi, parang nagkwento na ako ng isang nobela… sandamakmak na comma, tapos ang size nya isang paragraph pero isang sentence lang iyon! nyahahaha!

I write what I say…. malabu ba? ang ibig kong sabihin dito, kung panu ako actual na magsalita ganun ako magsulat… likas kasi akong mabilis na salita kaya pag ung mga pinagsusulat ko rin, walang hinto o kaya bitin-bitin.

sa ngayon pinipilit kong pasimplehan ung mga contruction ng sentences ko…limitado na lang kung baga….

i also blame my english teachers nung h.s …. karamihan kasi sa kanila mga bisaya at saka para bang kahit anong turo nila ng grammar di ako matuto-tuto….

but i’m trying my best……..

i’m trying my best to wrote english in better forms and structure so that i can be able to be a english writer. I’am trying to be good on english , and i will try to check the wrongs of my grammar….

nyahahaha!!!!! barok!!!!!!!!!!

at least alam ko sadyang mali-mali ang grammar ko dun…. nyehehe…ang sagwa sa tenga….

jevay\m/