july 16,05
punta kami ng Eastwood… homebuddy talaga ako at hindi palagimik pero nagkataon na ililibre kami ng aming friend na si iya kasi 18 birthday nya!…
punta kami dun, they were delayed for one and a half hour pero ayus lang… dumating kami dun… eh may gig! panu ba yan? sugod kaagad ako at si yoj sa may gig leaving our other friends behind… eh ang gaganda ng mga banda! Session Road, sugarfree, barbie almalbis (ang ganda niya!), hale, cueshe (ata), etc…… session at sugarfree pati si barbie ang galing pag live! (ung ibang bands di ko napakinggan kasi kumain na kami)…. un na nga….
after namin hagilapin ung mga kaibigan namin, punta na kami sa Cafè Adriatico, order kami at nung nakita ko ung menu… MayGAD! ang mamahal! steak is 250 tapos ung something about shrimps sabi ni julie 300-500…… nalula ako… pero sabi ni iya kahit pwedeng i-order…………. may butterflies na rin ung stomach kasi nag-aalala na ako dahil papagalitan na ako ng nanay ko…. after the meal, halos di na ko makahinga sa sobrang kabusugan!
lakad lakad kami sa labas…. first time ko dun….session road was on stage, sugod na naman kami dun…. we sneaked in sa backstage at tapos na session road… andun yung ibang bands nakaupo sa may chair nag hihintay for their set…. ang Hale andun…. sabi ko kay yoj magpapicture ka na….. after a few arguments, I dragged her with me tapos kinalabit ko si champ (vocalist ng Hale) na naka yellow shirt and he was tunnig his guitar….. "okay lang ba kung magpapicture?" naghesitate sya nung una kasi sila na nga susunod pero pumayag na rin kaya yun kinuhaan ko ng picture si yoj at champ… sabi ko" thank you gud lak" ngumiti naman siya tapos si yoj nakipag chikahan pa sa kanila…..
meron pa, etong si rico blanco…..ung mga kaibigan ko gusto talagang magpapicture…. kaya pagkatapos naming mag inuman nagpapicture sila… hmmm…medyo suplado dating nya sa akin…. ewan ko baka pagod lang iyon or what……. daming mga ‘cool people’ dun…….
ung mga banda, ang gagwapo pala nila sa personal… pag nasa tv kasi parang ordinary lang…pero ang puputi nila! ewan, baka nadaan lang sa derma o tlagang ganun na… di naman ako na starstruck… ang natulala ako nung makita ko siya ay kay Yael… at malamang kay Saul na rin siguro kung makikita ko siya….. nadadaan daanan nga namin ung mga bandang nagpapahinga dun eh…. ako may picture? hmmm…. unang una nahihiya ako, pangalawa ayaw ko ng picture gusto ko yung music nila at gusto ko talaga silang makausap lang, alam mo yun usapang normal: tao sa tao…… watever that means…….
i went home, with alcohol smell (Bailey’s lang yun pero di ko kinaya) mga 1:30 a.m. at pinagalitan ako ni mama…. she’s not talking to me…. pero i don’t regret going there….. masaya naman eh although inaantok ako kasi di ako sanay ng puyatan sa gimika pero puyatan sa schoolworks,OO.
thanks iya at nabisita ko rin ang Eastwood… nice place siya… buhay na buhay… pag may work na ako at may car…. punta ako dun ng madalas… kaso kelangan may mga 3,000 pesos ka (per individual) kung gusto mo talagan may inuman and evrything…….. so little time….. pero worth it………….
jevay \m/