a drain-brain stat quiz, a cancelled jamming session, a fucking flu, manga flavored ice candy, spongebob, a hot fucked-up day, cold coke…….\m/

Posted on April 25, 2005 by jevay.
Categories: Uncategorized.

panu yan wala na kong entry, i’ve got nothing else to say….nasabi na lahat…..

MCR \m/

Posted on April 23, 2005 by jevay.
Categories: Uncategorized.

tong kantang to, dedicated sa lahat ng tao na akala ng mga tao sa paligid nila, ayus lang sila… pero ang di nila alam, they bleed…..

My Chemical Romance - I’m Not OK (I Promise)
(written by: Gerrard Way)

Well if you wanted honesty thats all you had to say
I never want to let you down
Or have you go
It’s better of this way
For all the dirty looks
For photographs your boyfriend took
Remember when you broke your foot from jumping out the second floor

I’m not okay!
I’m not okay!!
I’m not okay!!!

You wear me out

What will it take to show you that its not the life it seems
I’ve told you time and time again
You sing the words
But you dont know what it means
To be a joke and look
Another line without a hook
I held you close as we both shook
For the last time… Take a good hard look

I’m not okay!
I’m not okay!!
I’m not okay !!!

You wear me out

Forget about the dirty looks
The photographs your boyfriend took
You said you read me like a book
But the pages all are torn and frayed

I’m okay I’m not okay!
I’m not okay!!
I’m not okay !!!

You wear me out

I’m okay

i’m okay

I’m okay now

but you really need to listen to me

coz i’m telling the truth

i mean this i’m okay!!!!

trust me!

i’m not okay

i’m not okay

well, i’m not okay

i’m not o-fucking kay!!!

i’m not okay

i’m not okay……

jevay \m/

Burn and Flu

Posted on by jevay.
Categories: Uncategorized.

hayy…. nakaka inis tong sipon na to, di tuloy ako makakanta ng maayos! anyway, sa wakas napa burn ko na tun ung cd ko: eto SANA ung original playlist:

*over - lindsay lohan (nice song ah! wala naman akong pakialam kung sinu ung kumakanta basta maganda ung kanta…. ung intro reminds me of a japanese anime soundtrak)

*hash pipe - weezer

*massive crush - the barbs^

*life is free - arkarna

* push - garbage

* aerials - system of a down

* only you - ashanti (oh? ba’t may r n b?  ang ganda kaya ng guitars dito, ang heavy… at saka maganda ung song)

*miserable - lit

* sober- jennifer paige

* lala - ashlee simpson

* no ordinary love - urbandub

* I like - katy rose

* helena - my chemical romance \m/!!!!!!!

*free me - rouge^

*I’m not okay - my chemical romance

* broken sonnet - hale

* work - jimmy eat world

* akap - imago

……..^kaso i have to change 3 songs kasi di mahanap kaya  napalitan sya ng leaving you, autobiography at beautiful ones pero…ang akala ko, may WORK ng jimmy eat world pero wala! napalitan sya…..:(  gusto ko pa naman yun!!!!!! pero ayos lang sa next batch… pati ung The barbs, astig yun…… nag eenjoy naman ako…lalo na sa akap……

Spongy Bob Squarepants

Posted on by jevay.
Categories: Uncategorized.

ito na ata ang pinaka astig na cartoon character! Stupid? yes. very. Yun nga yung kinakatuwa ko sa kanya, he’s stupid, he’s funny.

Sabi nga nila, " mas masarap pang kasama ang tanga" ewan ko lang, feeling ko kasi magaan ung mundo nila…

SpongeBob: since he’s a sponge, very Go to fullsize imageclever yung tuwing iiyak siya lalabas ung mga luha tapos hihigupin nya ulit (haha! gustung gusto ko un!), yung friendship nila ni Patrick (isang pink starfish na tanga rin) , yung pagiging super-worried sa mga customers ng Krusty Krab, pamemerwisyo niya kay squidword (?), pati yung signature laugh!

Basta, ganda nito! ang galing nung gumawa! clever! clever!  Sana nga magay ko na yung boses niya… ang saya! bukod sa boses ni mahal! (astig si gladys guevarra dun!)

isa pang favorite ko ay si Mr. Bean…. cartoons o hindi, the best pa rin siya! Favortie sya ng nanay ko nung nasa channel 5 pa lalo na nung nagkaroon ng pinoy counterpart na si OGAG….

nakakatuwa siya na nakakaawa kasi he’s alone together with his bestfriend teddy! pareho sila ni SpongeBob na stupid pero nakakatuwa… kung Psychology student lang ako…

sabi ko nga kay Yoj, kung Psych student lang ako, gagawin kong Thesis subject si Mr. Bean at yung friendship nya sa kanyang teddy kasi may pyschology issue sya kaya mahal na mahal nya si Teddy na siang stuff animal… ba… Psychoanalysis?!? haha….

jevay out!

UNA: The first gig: a narration

Posted on April 22, 2005 by jevay.
Categories: Uncategorized.

Kinikiliti na ang tiyan ko ng mga paru-paro at bubuyog habang nakapila sa may xerox-an ng aming school, ang Miriam.
Pucha… bilis… kating-kati na ang mga paa ako…kung bakit naman kasi dalawang xerox machine lang ang bukas ngayong Sabado… hinihintay na ako ng aking paborito kong banda na Sponge Cola sa may Robinson Junction Cainta…
Unang gig na aking mapupuntahan… sa wakas, matutupad agad ang aking NEW YEAR MISSION LIST… ang mapanood sila…
Noong nakaraang taon, pinilit kong mapanood sila pero ang daming balakid…kung hindi malayo ang lokasyon ng gig, mahal ang entrance o kaya naman gabing-gabi na ang kanilang performance…
Biro mo, ngayon… umayon lahat sa pagkakataon! Malapit sa Antipolo, hapon ang oras ng at higit sa lahat… LIBRE!!!
P@*!?#$@ Bilisan nyo! Sa bawat tagumpay na na-xerox na pahina ay lalong bumibilis ang pintig ng puso ko… yes! ako na! Makapal-kapal rin ang ipapa photocopy ko sa Biology dahil prelims na sa Martes kaya… ayan na…isinalang na!!! Panay na ang teks ng aking kaibigang si Joey at lalo akong nataranta!
Pagkatapos kaagad ng xerok at ibigay ang bayad, ay dali-dali akong pumunta sa classroom upang ibalik ang orihinal na kopya… hindi ako nagpakita sa aking Asian Civ. na prof. dahil mag ka-cut ako para mapanood tong gig na ito! at kanina pa akong taimtim na nagdadasal na sana walang humadlang dito dahil mawiwindang ako at makakapaglabas na isang libong mura kung hindi ito matuloy!
Desperado na kung desperado!
Pagkabigay ko sa kopya ay kumaripas na ako ng takbo sa banyo… Uy! Bumibilis… kumakaripas… Syet! di na ako makapaghintay! Inayos ko muna ang sarili ko sa banyo at huminga ng malalim upang makapag relaks at lumabas na ako patungong sakayan…
Bayad sa kanto…tawid sa PSBA.. okay! may naispatan kaagad na Tikling-Junction! Dali-dali akong sumakay at nguya ng nguya ng judge upang di ma-tensyonado…
Parusa kailanman ang trapiko patungo sa Junction!
Tuloy pa rin ang pagteteks namin ni Joey (babae po sya…) at nangangati na ako! gusto ng tumalon ng aking katawan kasabay ang musika ng Sponge Cola!
Plano kong bumaba sa may intersection upang tawirin ang footbridge patungong Robinson… habang naka hinto ang sasakyan, lumingon-lingon ako sa paligid… Eto na kaya yun?… Bababa na kaya ako?… ah hindi pa… Aba’y pag-usad ng FX, intersection na pala yun! Peste! lagpas na ako!… ganun ako eh, natataranta kaagad pag may isang step sa plano ang hindi natupad…
Napalakas ang boses ko sa pagsabing "Sa Junction lang po!" Halatang sinusundot na ang aking puwet sa kaba at taranta upang ako’y makababa na…
Hayy… parang langit sa akin ang muling makatapak sa lupa at walang pag-iisip na naglakad sa aking destinasyon…
Saglit akong napahinto sa may harapan ng mall… Pucha! Ang daming tao!!! Andun na ata ang iba’t ibang rui ng mga ‘rocker’, may mga pankista tapos may mga moderate rockers rin tulad namin ni Joey, … Naglakad ako ulit at humanap ng lugar na pwedeng pag-teksan… sa labas ng Robinson Junction, may isang stage na naka set-up … tatlong mikropono at yung drum set… ti-neks ko na si Joey at sa aking kakaikot, napatingin ako sa isang maikling linya… sinundan ko ito ng tingin… at sa dulo nun, nakita ko si Yael Yuzon!!! Siya ang bokalista ng paborito kong banda na Spongecola…matagal ko na siyang pinangarap na makita!!! Napatigil ako upang kilatisin siya…mukha siyang artista sa personal kasi pag nasa mga litrato siya, mukha ordinaryo lang ang kanyang itsura… maliit siya, mga kasingtangkad ko lang… makinis ang kutis at ang kanyang mata… nakakatunaw kung tumingin!
Mas lalo tuloy akong nataranta… Joey! asan k n! Andto n ako… Joey nsa may sign ako ng "Parking Exit Only" asn k n?.. Bilisan mo, nag sa syn na si Yael! humahaba na ang pila!… sunud-sunod na ang pagteteks sa aking kaibigan… habang naghihintay ako sa kanya, nakatulala at nakanganga lang akong nakatanaw kay Yael… pero di ko pa rin napigilang maglikot at pumaroo’t parito dahil ako’y excited na! Nang makita ko ang isang babaeng may black-rimmed glasses at straight ang buhok, tumakbo agad ako sa kanyang direksyon at tuwang-tuwa na kumaway… Dali-dali ko siyang hinila at pumunta sa pila upang magpapirma at magpa-picture… excited rin kaming nagkwentuhan habang nakapila at mas hibang pa pala kay Yael si Joey!
Patuloy pa rin si Yael sa pagpipirma at habang tinitingnan ko siya, nawawala ang kaba at kilig… kasi mas gusto ko siyang kausapin hindi bilang isang "fan" kundi parang natural lang… tipong casual conversation…yun lang… ilalagay ko sana sa aking deathpaper yung picture namin ni Yael dahil kunwari siya si "rocks" (soulmate! ngek..ngek…)
Pero nakita namin siyang pumasok sa tent at hindi na lumabas…nalungkot kami ni Joey ngunit ang lungkot na iyun ay pansamantala lamang dahil nakita na namin silang umakyat ng entablado…at ang sumunod…
RIOT!!! tinakbo namin ni Joey mula pila hanggang sa stage… tinalon ang mga nakaharang na lubid at nakipagsiksikan sa mga tao… Yahu!!! first gig at front row pa kami!!! Abot kamay namin ang banda sa harapan! ilang segundo pa lang kaming andoon, tumagaktak na ang aming pawis…
Umakyat na ang mga miyembro ng Spongecola sa stage at nagsimula na ang kanilang sound check… hindi na nagpa awat ang mga tao sa pagsigaw lalong-lau na yung mga babae sa harapan namin… si Joey ay nagsimula ng kumuha ng mga shots sa kanyang cellphone, habang ako nakatulala lang sa mga bandmembers… kinunan rin ng kanilang drummer na si Chris ang buong crowd ng video kaya mas lalo pang umingay kasi libre yung gig na iyon at talagang dinumog…
"1..2…3..go.." nagsimula ng magbilang ang drummer at tinugtog ang kanilang opening song titled "Partisan" … eto na… dito na ako nag "let-loose"… tumalon-talon ako ng walang paki alam at kumanta hanggang sa mapigtal ang aking lalamunan… unti-unting naglaho ang lahat sa aking kapaligiran… tanging ang aking katawan na panay lundag akyat-baba, ang boses ni Yael, ang ingay ng gitara at drums ang tanging natira… minsan nga…nawawala na yung mga mukha ng banda…isang sexual intercourse with music… making love with it… yun ang nangyayari…
Natapos ang kanta at pakiramdam ko mahihimatay ako dahil sa sobrang init at hingal dahil sa aking pag talon… I was out of breath… nakikita kong tuwang-tuwa ang Spongecola dahil sa mga tao… tinugtog nila ang isa sa kanilang single na pinamagatang "Lunes" at mas lalong nagkagulo ang tao… sa bandang likod namin may namumuo nang mosh pit (kumbaga sa rock concert: ito yung bilog ng mga tao tapos may dalawa o tatlong tao sa gitna na inuumpog yung sarili nila sa mga nag-uumpugan pang mga katawan) Lumingon ako saglit sa likod at ngumiti sabi ko sa sarili ko "eto na yun… isang totoong gig… isang totoong rock show… nakikita ko lang ang mga ganito sa t.v pero ngayon andito na ako…"
Mas lalo akong nag let-loose dahil isa iyon sa aking paboritong kanta at natutulak na rin kami ng mga taong nag mamosh pit doon… hindi ko na sila pinansin dahil ayokong masira itong moment na ito… tuloy pa rin ako sa paglundag.
Sa bawat kantang kanilang tinutugtog… unti-unting nawawala ang pag kakilig ko kay Yael… mas naiisip ko na ang tindi pala ng passion nito sa musika… kitang-kita sa mukha niya habang tinutugtog niya ang kanyang gitara at may isang kanta kung saan siya ang tumugtog ng drums. Sabi ko nga kay Joey, habang nag exhibition si Yael ng guitar, para siyang nakikipag sex sa kanyang instrument… (lahat ba may comparison sa sex?… oo nga, kasi yung intensity ng isang passion na yun… sa sex ko nakikita yung same intensity kaya yun yung ginagamit kong comparison…) Naisip ko rin na "grabe, napaka talented ng lalaking ito, isa siyang rock god…", nang magpasabog siguro ang diyos ng music talents eh… nakahiga itong si Yael sa kalye…
Habang kumukuha si Joey ng litrato, tinapik ko siya at sinabing "Itigil mo muna yan, tumalon ka na!" Pag may pagkakataon na itinutulak ulit kami nung mga tao sa likod, kami ni Joey ay nakikipagtulakan din kasi kawawa yung mga babae sa harapan namin, napipipi na, hinikayat pa nga namin silang makitulak rin para mas malakas ang puwersa… akala siguro nung mga nasa mosh pit nakiki pag slamman kami sa kanila kaya pag tinutulak namin sila, tutulakin rin kami…
Hindi ko na sana papansinin pa yung mga pankistang nagtutulak dahil ini enjoy ko talaga yung music pero nagsimula akong mainis ng nang may binubuhat silang tao sa itaas tapos sa amin ba naman hinahagis… wina warningan na nga nina Yael yung mga taong yun eh kasi may nasasaktan na nga at nauntog ako sa sapatos ng taong iyon kaya ang sakit… panay pa rin ang tulak namin Joey… akala ko nga rin mamamatay na ako kasi humarang na yung mga security guards upang i-tame yung mga crowd na iyon, medyo natakot ako at nasabi ko sa sarili ko na "ayos lang kung ngayon na ako mamamatay, at least sa gig na matagal ko nang inaasam"… may mga nasaktan talaga doon sa may likuran namin pero wa-epek ang mga security guards… hindi ko lang maintindihan kung musika ba talaga ang ipinunta nung mga taong iyon doon… paano sila makakapagconcentrate sa music kung panay ang gulo nila… Anak talaga sila ng putakte! Sandamukal na mga pasaway…
Hanga ako sa banda, dahil miski nag peperform sila eh, sinisigurado nila na ayos lang ang kanilang manonood at talagang concern sila ng may isang girl na nawawala yung kanyang kapatid at eksaktong may batang babae na dumadaan sa gitna mismo ng nagkakagulong tao at nagtataka kami ni Joey kung bakit may ganung kaliit na bata dun, mapipirat siya dun.
May kinanta si Yael na hindi ko alam ang titulo at mas lalo pa akong napahanga sa galing niya dahil ang ganda niya gumawa ng "screams" hindi katulad ng ibang vocalist na parang naka droga pag sumisigaw… galing niya… hindi na ako yung babaeng may malaking "crush sa kanya at balang araw na gusto siyang maging asawa" sa pagkakataong iyon, nasabi ko sa sarili ko na "masarap sigurong maging katuald niya…"
Doon sa kantang iyon, dito nagkagulo… sobrang nagkagulo ang tao…
dito na rin pumutok ang ugat ko sa aking ulo at talagang tulakan na kung tulakan… magkahawak pa nga kami ni Joey habang tinutulak namin yung mga tao… nag-aalangan kasi akong murahin sila kasi unang gig ko iyon at hindi ko naman alam ang mga "etiquette" sa isang rock gig… sabi nga ni Joey bigyan ko daw sila ng ganitong sign : \m/, parang peace sign sa rock show pero hindi ko nagawa yun dahil nakakagago na talaga yung mosh pit… pero syempre nag-eenjoy pa rin ako… hati nga ang aking focus… isa sa pagtulak sa mosh pit at yung pangalawa sa pakikinig at pagtalon sa saliw ng musika…
Nakahinga nga ako ng maluwag ng matapos na ang huling kanta nila titled "Jeepney" at dali dali kaming tumakbo ni Joey pabalik sa pila upang makapag pirma dahil wala pa ring autograph yung mga cd namin… okay na sana kung walang picture pero sana wag naman yung autograph… siyanga pala, sila ang tanging banda na binilhan ko ng original album at pinag ipunan ko ng matagal… hindi ako mahihiyang aminin na taga tangkilik ako ng pirata at proud ako sa akin dahil ngayon taga tangkilik na ako ng orig! at nakatulong rin ako sa pinoy music industry! kasi puro pirata ng foreign artists ang binibili ko at Spongecola naman ang kauna-unahan na OPM band na nagustuhan ko talaga.
Kinuha ng nanay ni Joey ang aming mga cd at iniiabot sa isang kasamahan ng banda, syempre hindi sila makakatanggi dahil nanay iyon… kaya tuwang-tuwa kami ng mapapirmahan na nila iyon… pero pinagpilitan pa rin namin ni Joey na makakuha ng litrato pero wala nang pagkakataon dahil pupunta pa ang banda sa Cavite…
Umalis na lang kami ni Joey kasi nagkagulo na ang mga tao ng lumabas sila at tinatapakan kami ng mga malalaking lalaki sa aming harapan… pinagtitinginan nga ako ng mga tao pagpasok sa mall dahil sobrang gulo pala ng buhok ko at halatang nagkipag rambulan sa mga tao doon sa gig. Ang baho-baho ko na pagkatapos ng gig at nagpunta kami sa banyo upang mag freshen up…
Ayos lang, masaya naman… pagbaba ko nga ng fx, bigla akong inatake ng cramps sa dalawa kong hita at sa sobrang sakit, hindi ako makagalaw at magkapaglakad ng maayos! Hindi ako pinatulog ng gig na iyon hanggang 1:30 ng umaga dahil punung puno pa ako ng enerhiya upang tumalon… gusto ko pang tumalon at kumanta! Miski may mga taong nanggago, masaya pa rin at walang kapantay ang kaligayahang aking nadarama! Para sa akin, isa iyong fulfillment sa pagiging music freak ko…

Ang kauna-unahang gig na ito ang nagpalasap sa akin ng lubos na kalayaan… sa lugar na iyon, sa mga nagsisiksikan na tao, sa ingay ng musika… nandun ang kalayaan ko… masasabi kong, doon ako nagpakatotoo… miski man magulo na ang buhok, mabaho na ako sa pawis… ayus lang… patuloy pa rin akong kumakanta at tumatalon sa musika ng banda… binalato sa akin ng Diyos ito at masaya ako kasi isang totoong rock show ang pinatikim niya sa akin… akala ko magiging malumanay lang ang experience pero hindi… intense … parang ngang "unbearable lightness of being", na sa sobrang kasiyahan ko, pwede na akong mamatay…..

"My reverie… my truth… my freedom… nothing can compare… that place is where I left my true self… and I’ll be coming back for it… again and again…"


Future of my music

Posted on by jevay.
Categories: Uncategorized.

may pinagkaka abalahan ako ngayon pero di ko sasabihin! alam na nina Yoj at Jamas kung an yung nabuo namin. Mahirap na, kasi bka hindi matuloy. Sabi nga ni Mae, kung may mga plano ko, wag mong ipagsabi dahil kadalasan, hindi ito natutuloy.

Nagpaburn ako ng CD pero di ko pa nakuha kasi hirap daw i-download ng mga songs ko… naalala ko lang, sumikat ata ang Linkin Park dahil sa downloading, particularly Napster (by the way, was condemned by so many musicians), dito sila nagsimulang sumikat kasi nagkaroon ung mga tao ng access sa music nila…may advantage rin… o ha? Trivia. hehe.

hmm… siguro if i won’t end up as a musician or either a diplomat baka maging music analyst na lang ako kasi parang  mas marami akong Music facts kesa sa paggawa ng music. Although, I can write songs naman kaya lang dapat talaga inspired ako. Hindi ako nakakasulat ng song ng basta-basta… and if you ask me to write a song with a snap of a finger, it will end up sounding SHIT. MTV would a dream place to have a job…

Basta kung anong maging kapalaran ko, dun ako.

Syangapala, astig talaga Radioactive Sago Project, di ko man mashadong gusto tugtugan nila, gusto sila…. kakapanood ko lang kasi ng MTV ask tapos sila ang guest…galing…magaganda ung sinasabi nila:

*"We have to please ourselves first before the audience."
*"Ayus lang kung 5 lang ang nanonood basta maganda ang tugtugan…"
*"Heroes namin, yung mga taong walang pakialam sa sasabihin ng iba tulad ni…April Boy Regino….yung Aegis naka jamming na namin talagang tatayuan ka ng balahibo…"
*"Yung unang salang ng Sago…sa may UP Fair…yung katatapos kasi sa amin na banda…ano eh… ung headbangers na music kaya nagtatalunan ung mga tao ang saya saya nila tapos nung kami na ung tumutugtog, nakaupo na sila tapos nakanganga…"
*"Ako rin, di ko rin maintindihan (yung lyrics)… 90% extemporaneous…since poetry nga sya…."

Yun lang natatandaan ko…if ever man na manonood ako ng gig nila, kelangan may dala akong lyrics… unang labas nga ng ‘Astro’, mas tutok ung tenga ko kesa sa video, interesting kasi. Mas gusto ko yung "Baboy", para sa akin kasi may political meaning yun… tama, kung di ako magiging musikero magiging music analyst na lang ako… pero astig pa rin yung rockstardiplomat… multi-tasking?!?! If ever, ako ang pinaka unqiue na career sa buong pamilya… mainis man sila? Fine. Mag-fail ako? Responsibility ko na yun.

I have to please myself first at sabi ng Philo. Prof ko: "…if you want to be successful, DO NOT try to PLEASE EVERYBODY…"

Self interest: Personal is political

Radfem!!! \m/ (<– di ako Radfem1 accdg. to Ms. Rallonza, "Mutant feminist" rin ako at the same time may pagka masculinist rin…)

tanggapin natin… NOTHING IS FAIR IN THIS WORLD!

i’m blabbing.. 3:00 a.m na kasi…

jevay.out!

Short-Fingered

Posted on by jevay.
Categories: Uncategorized.

Heto ako, gising not because I have to finish a 20 page film analysis but to take advantagee of the unlimited internet access (yehey
!)

Hmm… change subject…short fingered? tama ba grammar? yun nga ung mejo frustrated ako kasi maikli lang daliri ko para maabot ung mga complex chords ng gitara…

May alam ba kayong exercise para humaba ang fingers?

Sabi ng aking dear friend na si Jam, kelangan itabi ko daw ang gitara sa pagtulog ko tapos ipitin ko yung fingerboard between my fingers saka i-slide up and down… ilang beses ko nang ginawa un kaso wala pa rin.

Kung may alam kayo, msg. ny ko ha? ha?

I do believe na kaya hindi ko ma-demo ng maayos yung mga songs na ginagawa ko kasi di ko pa alam ung mga chords na mahihirap. Although kaya ko na siyang i-press kaso may problema sa paglipat tulad ng from G-B… kung pwede nga lang lahat ng kanta ma-derive sa mga chords na may 1-3 figners lang ang kelangan i-press… tapos olats pa yung gitara ko, wala sa tono at cheap lang kasi. Pero Special pa ri nyun dahil gift un ni papa sa akin nung 12 yrs. old ako.

Kung wala akong summer classes ngayon eh di sana nagkukulong lang ako sa kwarto at ginagalaw si gitara ko hanggang sa mamaster.  Gitarista nga ako pero di ko pa rin maintindihan yung POWER CHORDS. Hindi sapat ang guitar books para matutunan ko yon kelangan talaga actual demo.

Di rin ako marunong magbasa ng notes , mapa keyboard man puro kapa lang, puro tenga… ewan ko kung amazing yun o ano…

Nweiz, I make 2 entries a day or more than pa, lahat kasi ng thoughts ko sinusulaat ko sa papel… kaya pansin nyo parang hindi diary ang blog ko…wat can i put on this fucking blog based on my everyday life when all i have is a boring, blank everyday encounters.

kelangan ng tapusin to… jevay… out!

Posted on by jevay.
Categories: Uncategorized.

3 Little Bears

may tatlong bear sa loob ng isang bahay
si papa bear
si mama bear
at si baby bear…

si papa bear ay malakas
si mama bear ay napakaganda
si baby bear ay napaka liksi

tingnan nyo
tingnan nyo
ang saya nila…!

                                   Song Hye Kyo (Jesse Han) - Full House

highschool lyf

Posted on by jevay.
Categories: Food and Drink.

it’s a society at para sa akin ang umiiral dito ay mandatory sheephood.

Let me explain: ang sheep pag kasama ang flock, sumusunod kung saan sila dalhin ng shepherd. Everybody heads the same direction.

Highschool society, mahirap lumantad ng totoong identity dito. A few did pero kadalasan sila pa tong nababansagan na mga loser dahil iba sila sa kanila.

Only a dot percent, did it successfully. Kaya tignan pagdating ng college, sasabihin ng mga batchmates nya. nag-iba siya pero hindi, nilabas lang niya totoo.

It’s a society where everybody puts you in a box. KINAKAHON. kaya yung iba nasa loob ang kulo.

Sa college, wala ng pakialamanan at mas makakatagpo ka ng mga katulad mo dahil mas wide ang variety. The more na kakaiba ka, the better.

I have seen who fought her way out of her shell! Miski ako, guilty of this conformity pero I won’t forget na naranasan ko ring matignan as a teenage dirtbag.

I salute Milag! Hope you won’t give up the TKM! Nakita ko sayo ang real passion kaya heto ako, trying to do the same thing: to pursue what I want to do, na hindi ko naranasan sa highschool because of the suffocating stereotyping. 

jevay \m/

Posted on by jevay.
Categories: Uncategorized.